Poems

 

Insomya - gat3keeper

 
     
 

Tulog na ang lahat

Gising pa rin ang diwa

Salat na ang isipan

Sabay kakalam ang sikmura

 

Sa mundo ng gising

Ako’y tulog

Sa mundo ng tulog

Ako’y gising

 

Ito ba ay sumpa,

O ito ba’y guni-guni?

Hindi ko malaman ang aking gagawin

 

Sa pagpikit ng aking mga mata

Isasama ko ang mga pangarap

Tungo sa kalaliman ng kahibangan

Ngunit sa aking pag-gising

Ako’y mumulat ng tulala

Sapagkat ang tulog ko'y

Kulang pa rin...